Ang Meta Lab ay muling nagbukas sa Melrose Ave, Los Angeles bilang unang flagship store nito. Layunin nitong bigyan ang mga bisita ng kakaibang karanasan sa paggamit ng AI eyewear. Kasabay nito, may bagong branch din sa Las Vegas kung saan ipinapakita ang pinakabagong produkto tulad ng Ray-Ban Meta Display Glasses, Neural Band, at Oakley Meta Series.
Binuksan muli sa publiko noong Nobyembre 1, tampok sa pagbubukas ang pakikipagtulungan ng Meta Lab sa mga skateboarders sa LA. Nagtipon ang mga kilalang skater tulad nina Ruby Lilley at Na-Kel Smith upang ipakita kung paano nagagamit ang AI glasses sa aktwal na galaw at street culture ng lungsod.
Ang Ray-Ban Meta Gen 2 ay may 3K ultra HD camera, 12-megapixel lens, at open-ear speaker. Tumagal ito ng hanggang 8 oras ng tuloy-tuloy na paggamit—doble sa naunang bersyon. Presyo nito ay tinatayang nasa ₱19,000 hanggang ₱22,000 depende sa modelo.
Para sa mas sporty na estilo, ang Oakley Meta HSTN at Meta Vanguard ay may 12MP ultra-wide camera, Bluetooth speakers, at AI feedback system para sa mga atleta. Presyo ay nasa pagitan ng ₱25,000 hanggang ₱30,000, depende sa disenyo at lens type.
Maaaring bisitahin ang Meta Lab sa 8600 Melrose Ave, West Hollywood o sa bagong branch sa Las Vegas upang subukan mismo ang kanilang mga AI-powered eyewear. Ang mga ito ay para sa mga gustong maranasan ang pinakabagong teknolohiya habang nananatiling hands-free sa araw-araw na galaw.
			
		    





