Ang Crocs ay maglalabas ng special Classic Clog para sa 40th anniversary ng sikat na pelikula na Back to the Future. Inspirado ito sa iconic scene kung saan nagkaroon ng time travel sa 88 mph kasabay ng kidlat.
Makikita sa upper design ang all-over lightning print kasama ang mga detalye mula sa pelikula: ang OUTATIME plate, flux capacitor, at ang sikat na hoverboard ni Marty mula sa Part II. May kasama ring Jibbitz charms tulad ng jacket ni Marty, ang DeLorean, Sports Almanac ni Biff, ang orasan sa 10:04 PM, at lumang dyaryo mula 1955.
Ang heel strap ay ginawang kahawig ng DeLorean, kumpleto sa flux capacitor. Samantala, ang sole ay may flame graphics bilang tribute sa apoy na iniiwan tuwing time travel.
Available ito sa halagang ₱4,600 (dating $80 USD) at ilalabas sa Oktubre 21. Siguraduhing markahan ang petsa kung gusto mong makakuha ng pares.
Ang collab na ito ay hindi lang simpleng footwear—ito ay isang tribute sa mga loyal fans ng Back to the Future. Perfect ito para sa mga sneaker at movie collectors.