Ang Artificial Intelligence (AI) ang naging tampok sa taunang CXO Tech Summit ng VST ECS sa Boracay, Malay, Aklan. Dinaluhan ito ng ilang pinakamalalaking tech vendors at IT leaders mula sa publiko at pribadong sektor sa Pilipinas.
Dalawampu’t tatlong tech brands ang lumahok, mula PCs, data centers, cybersecurity, cloud services, hanggang AI solutions. Ayon sa VST ECS, layunin ng summit na bigyan ng platform ang mga negosyo upang magamit ang advanced technology para sa business continuity.
“AI ay nagbabago ng negosyo at lipunan. Tatalakayin dito ang epekto nito sa iba’t ibang industriya, sa workforce, at sa hinaharap ng sustainable at innovative growth,” ayon sa pahayag ng kumpanya.
Ang CXO Summit ay nagbibigay ng natatanging pagkakataon para sa knowledge-sharing at best practices kasama ang mga tech providers, merchants at users.
Inaasahang magsasalita sa 3-araw na kaganapan ang mga opisyal ng Cisco, Dell, HP, Lenovo, Huawei, Oracle, AWS, Microsoft, IBM at iba pang kumpanyang nakatutok sa cloud computing, cybersecurity, at AI.