
Ang road reblocking ay madalas na reklamo ng mga motorista, lalo na ng mga motorcycle riders. Maraming ulit nang nakita na ang maayos na kalsada ay binabakbak ng DPWH o contractors kahit walang sira.
Madalas, kulang ang safety barriers at warning signs, kaya nagiging delikado para sa mga motorista. Dahil dito, maraming aksidente na naiuugnay sa mga proyektong ito.
Sa gitna ng mga isyu ng multi-trillion peso flood control projects na may alegasyon ng korapsyon, marami ang naghihinala na ang paulit-ulit na road reblocking ay isa ring paraan ng maling paggamit ng pondo.
Kaya si Sec. Vince Dizon ay nagdesisyon na suspindihin ang lahat ng road reblocking projects indefinitely. Aniya, “Bakit binabakbak ang maayos na kalsada para lang gawin ulit? Alam naman natin, madalas, pinagkakakitaan lang.”
Maglalabas ng bagong Department Order si Sec. Dizon na mag-uutos ng malinaw na justification para sa bawat proyekto at higit na transparency para makita ng mga taxpayers kung saan napupunta ang kanilang pera.




