
Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nakatuklas ng 421 ghost projects o mga proyektong hindi umiiral mula sa mahigit 8,000 na ininspeksyon. Karamihan dito ay nakatuon sana sa flood control.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang ulat ay ipinasok na sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).
“Initial findings pa lang ito dahil daan-daang libo pa ang kailangan suriin at i-validate,” ani Dizon. Dagdag pa niya, may mga naging usapan na sila kasama ang ICI kung paano haharapin ang mas malaking imbestigasyon.
Ang mga ghost projects na ito ay maaaring katumbas ng bilyong piso na pondo ng gobyerno na dapat sana ay napunta sa mga proyektong makakatulong sa tao, tulad ng mga tulay at flood control systems.
Layunin ng masusing imbestigasyon na masiguro na ang pera ng bayan ay hindi nasasayang at mapunta lamang sa makabuluhang proyekto na tunay na makakatulong sa mga komunidad.