Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakasamsam ng humigit-kumulang ₱2 milyon na halaga ng pekeng insecticide sa Valenzuela City at Tondo, Maynila.
Aabot sa 13,412 canisters ng pekeng Bao Li Lai aerosol insecticide at 3,042 canisters ng pekeng Big Bie Lai insecticide ang nakuha mula sa isang tindahan at mga bodega nito.
Nagsimula ang operasyon matapos magsampa ng reklamo ang may-ari ng rehistradong tatak, na nag-ulat ng malawakang bentahan ng pekeng produkto.
Matapos magsagawa ng surveillance at test-buy, nakumpirma ng NBI ang ilegal na aktibidad at agad nakakuha ng search warrant mula sa korte.
Kakasuhan ang may-ari ng tindahan para sa paglabag sa trademark alinsunod sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.