
Ang Xiaomi 15T Pro ay bagong flagship phone na abot-kaya para sa mga mahilig sa mobile photography at mabilis na performance. May MediaTek Dimensity 9400+ ito na chip na mas malamig at mabilis, at may bagong 3D IceLoop cooling system para hindi madaling uminit ang phone kahit sa matagal na paggamit.
Sa camera, may Leica Summilux Master Lens system ito kasama ang 5x optical zoom at hanggang 100x UltraZoom, kaya perfect para sa mga mahilig sa malinaw at detalye na photos. May 12MP ultra-wide lens rin para sa selfies at kayang mag-record ng 8K video. Ang AI tools ng phone gaya ng AI Enhance, AI Subtitles, at AI Notes ay makakatulong sa editing at productivity.
Ang display ay 6.83-inch AMOLED na may 144Hz refresh rate at mataas na brightness. Ang charging naman ay 90W wired at 50W wireless, habang may 5500mAh battery at IP68 rating para sa tibay. Mas magaan at mas abot-kaya ang Pro version kumpara sa ibang flagship models, kaya sulit sa performance at presyo.
Xiaomi 15T Pro presyo:
12 + 256GB = ₱37,999
12 + 512GB = ₱39,999
Xiaomi 15T Pro ay para sa creators, power users, at tech-savvy na gustong makuha ang premium specs nang hindi sobra ang gastos.





