Ang isang printing shop sa Rizal Avenue, Barangay 209, Maynila ay naging biktima ng pagnanakaw nitong Lunes ng umaga. Sapul sa CCTV ang isang babae na kumuha ng cellphone habang natutulog ang 15-anyos na bantay ng tindahan.
Ayon sa may-ari na si RJ Alipat, nakatulog sandali ang kanyang pamangkin na bantay ng shop. Sa pagkakataong iyon, napansin ng babae ang cellphone na nakapatong sa lamesa at mabilis itong kinuha bago umalis.
Pahayag ni Kagawad Anthony Benoza, hindi residente ng Barangay 209 ang suspek. Ayon sa kanya, madalas na may mga dumadayong hindi taga-rito para magnakaw, kadalasan ay sakay ng motorsiklo.
Patuloy ngayon ang backtracking upang makilala ang babae at mahanap siya. Tinatayang ang halaga ng cellphone ay nasa ₱5,000.