Ang Pilipinas ay nakakuha ng mataas na papuri mula kay FIVB president Fabio Azevedo sa hosting ng FIVB Men’s Volleyball World Championship.
“Filipinos love the sport. Lahat ng atleta at kanilang team ay sobrang masaya. From the start, 100% satisfied sila,” ayon kay Azevedo.
Pinagsama-sama ang suporta ng Philippine National Volleyball Federation, gobyerno, at private sector kaya naging matagumpay ang event.
Naipakita rin na kaya ng bansa mag-host ng malalaking sports event. Dalawang taon na ang nakalipas nang mag-host ang Pilipinas ng FIBA World Cup.
“It is Olympic international standard. I would give it 10 out of 10,” dagdag pa ni Azevedo.