
Ang mga biyahero papuntang Taiwan ay kailangan nang mag-fill out ng Arrival Card online simula Oktubre 1. Ayon sa National Immigration Agency (NIA), aalisin na ang paper landing cards para sa mas mabilis na immigration clearance.
Dapat sagutan ang form 3 araw bago ang pagdating. May QR code din sa mga airport at seaport check-in counters. Pwede pumili ng Chinese o English, at may gabay sa Japanese, Korean, Thai, Vietnamese, at Indonesian. Kailangan ilagay ang personal information at passport data page photo.
Para sa pamilya o grupo, isang tao lang ang pwedeng mag-fill out para sa hanggang 16 katao. Pwede rin itong baguhin o i-edit ng iba pang kasama. Pagkatapos magsumite, may matatanggap na confirmation email, pero hindi na ito kailangang ipakita dahil makikita ng officer gamit ang passport scan.
Libre ang TWAC at mandatory bago ang immigration clearance. Sakop nito ang mga dayuhan na may visitor visa o visa-free entry, mga residente ng Hong Kong at Macao na may multiple-entry permit, mga mainland Chinese na may tourist permit, at mga hindi nakarehistro na nationals na walang Resident Certificate.
Visa-free pa rin ang mga Filipino passport holders hanggang 2026, kaya walang dagdag na gastos o bayad.