Ang US Embassy ay nag-anunsyo na 28 colleges at universities mula Amerika ang nag-aalok ng pagkakataon para sa mga Filipino students na makapag-aral sa US. Gaganapin ang EducationUSA University Fair sa Sept. 28 sa One Ayala Mall, Makati mula 2 p.m. hanggang 5 p.m.
Libre ang admission at bukas ito para sa lahat ng estudyante, magulang, at educators. Maaaring mag-pre register online para mas mabilis makapasok sa event.
Kasama sa mga kalahok na paaralan ang mga kilalang unibersidad at community colleges mula sa iba’t ibang state sa US. Layunin ng event na magbigay ng direktang impormasyon tungkol sa academic programs at scholarship opportunities para sa mga Pilipino.
Ayon kay US Chargé d’Affaires Robert Ewing, noong nakaraang taon ay umabot sa 4,100 Filipino students ang nag-aral sa Amerika — pinakamataas sa loob ng 15 taon. Katumbas nito ay halos ₱246 milyon na halaga ng tuition at iba pang gastos.
Dagdag pa ni Ewing, mas maraming Pinoy ang hinihikayat na mag-aral sa Amerika upang ma-experience ang world-class education at maabot ang kanilang pangarap.