
Ang libo-libong tao ay nagmartsa papuntang People Power Monument sa EDSA ngayong Setyembre 21, 2025. Tinawag itong “Trillion Peso March”, na isinabay sa anibersaryo ng Martial Law bilang simbolo laban sa pang-aabuso at korapsyon.
Hindi napigil ng ulan ang mga pamilya, kabataan, simbahan, manggagawa, at iba’t ibang grupo na nagsama-sama. Napuno ang White Plains Avenue kaya nagkaroon ng road closure. Mayroon ding sabayang protesta sa iba’t ibang lungsod sa buong bansa.
Nagbukas ang programa sa awit at panalangin ng iba’t ibang relihiyon. Sinundan ito ng sigaw na “Ikulong ang mga korakot!” habang hawak ng ilan ang puting laso at lobo na buwaya bilang simbolo ng mga tiwaling opisyal.
Lalo pang uminit ang galit nang mabunyag ang multi-bilyong pisong pondo para sa flood control na ninakaw sa loob ng 15 taon sa pamamagitan ng kickback at ghost projects. Ayon sa ulat, ang ekonomiya ay nalugi ng halos ₱118.5 bilyon mula 2023 hanggang 2025 dahil sa korapsyon.
Kilala ring personalidad gaya nina Vice Ganda, Anne Curtis, Angel Aquino, at Dingdong Dantes ay nakisama sa pagtitipon. Ayon sa mga lider ng protesta, magpapatuloy ang kilos-protesta hanggang mayroong pananagutan at hustisya para sa bayan.