Ang Senado Blue Ribbon Committee ay nag-cite in contempt kay dating DPWH-Bulacan engineer Henry Alcantara, assistant district engineer Jaypee Mendoza, at contractor Curlee Discaya matapos silang mahuling nagsisinungaling tungkol sa mga ghost projects at substandard na flood control works. Sila ay ikukulong sa Senado matapos ang desisyon.
Si Alcantara ay itinanggi ang pagkakaalam sa ghost projects, habang si Discaya naman ay nagsinungaling tungkol sa dahilan ng pagliban ng kanyang asawa. Ayon sa sulat ni Sarah Discaya, hindi siya naka-attend dahil sa meeting, taliwas sa sinabi ng asawa na may sakit ito. Dahil dito, binigyan siya ng show cause order.
Si Brice Hernandez, na una nang nakulong dahil sa contempt, ay nagsiwalat na ang perang nakuhang kickbacks mula sa contractor ay umabot ng milyones at ipinakita pa ang larawan ng mga nakatambak na cash. Ayon sa kanya, handa siyang ibalik ang pera dahil hindi niya ito pinagtrabahuhan.
Samantala, si Sally Santos ng SYMS Construction ay humingi ng proteksyon matapos makatanggap ng pagbabanta sa buhay niya. Ayon kay Santos, siya ay pinilit gamitin ang lisensya ng ibang contractors para sa kickback scheme at natakot siya matapos aminin ang sistema. Dahil dito, binigyan siya ng physical protection ng Senado.
Bilang dagdag na aksyon, 17 DPWH officials ng Bulacan 1st District ang sinuspinde ng Ombudsman. Samantala, isang mataas na opisyal ng DPWH ang nagbigay ng resignation para bigyang-daan ang bagong appointee.