Ang lineup para sa Coachella 2026 ay opisyal nang inilabas. Gaganapin ito sa dalawang weekend ngayong Abril 10–12 at Abril 17–19, 2026.
Sabrina Carpenter, Justin Bieber, Karol G at Anyma ang mga pangunahing performer. Si Carpenter ay maghahatid ng performance tuwing Biyernes, si Bieber naman tuwing Sabado, habang si Karol G ay sa Linggo. Si Anyma naman ay magpe-presenta ng kanyang espesyal na Æden project.
Kasama rin sa lineup ngayong taon sina The Strokes, KATSEYE, the XX, Young Thug, Turnstile, Disclosure, Addison Rae, PinkPantheress, at Central Cee kasama pa ang iba pang international at rising artists.
Coachella 2026 tickets ay mabibili na ngayon, na nagkakahalaga mula ₱31,000 hanggang ₱73,500 depende sa package at access. Inaasahan na magiging isa ito sa pinaka-malaking music festivals sa buong mundo sa susunod na taon.