Ang aktres at content creator na si Bea Borres ay nagsalita matapos dumami ang usapan online tungkol sa ama ng kanyang baby. Sa Facebook post, malinaw niyang sinabi, "Hindi po talaga ako magco-co-parent sa kahit sino."
Nag-iba ang usapan nang ang kanyang ex-boyfriend na si Meray Yamada ay nagpahayag na gusto niyang maging parte sa buhay ng kanilang anak. Sa isang buradong komento sa TikTok, sinabi niya na handa siyang gampanan ang papel bilang ama. "Nandito ako, at gagawin ko ang lahat para maging best father sa anak ko," dagdag pa niya, sabay banggit na babae ang kanilang magiging anak.
Sumagot si Bea sa TikTok at nilinaw na hindi niya kailanman sinabi kung sino ang ama o kung ano ang gender ng baby. Nagulat siya na si Meray mismo ang naglabas ng detalye. "Wala talaga akong balak magsabi na siya yung tatay, pero ayan na," ani Bea.
Sa kabila ng isyu, nananatiling nakatuon si Bea sa kanyang pregnancy journey at nagpasyang magpatuloy sa sarili niyang paraan.