Ang mahigit P1.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ay nakumpiska mula sa isang construction worker at isang mekaniko sa buy-bust operation sa Barangay Geronimo, Rodriguez, Rizal madaling araw ng Martes.
Itinuturing na high-value target ang 43-anyos na construction worker mula Quezon City. Nahuli siya matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap bilang buyer.
Nahuli rin ang 31-anyos na mekaniko mula Rodriguez matapos maaktuhang bumibili ng hinihinalang shabu mula sa construction worker.
Nakumpiska mula sa dalawa ang tinatayang 210 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng higit ₱1,400,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rodriguez Municipal Police Station ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.