Ang dalawang boksingerong Hapon ay pumanaw matapos magtamo ng malubhang pinsala sa utak sa magkaibang laban sa parehong boxing event sa Tokyo.
Si Shigetoshi Kotari (super featherweight) at Hiromasa Urakawa (lightweight), parehong 28-anyos, ay lumaban sa Korakuen Hall noong Agosto 2. Pareho silang agad dinala sa ospital at sumailalim sa operasyon sa utak matapos ang laban.
Si Kotari, na nagtapos sa tabla laban kay Yamato Hata matapos ang 12 rounds, ay nawalan ng malay at pumanaw noong Agosto 8 bandang 10:59 p.m. dahil sa acute subdural hematoma. Ayon sa kanyang gym, ginawa niya ang lahat para makaligtas matapos ang operasyon at gamutan.
Samantala, si Urakawa ay natalo sa ikawalong round laban kay Yoji Saito at namatay din noong gabi ng Agosto 9. Ang trahedya ay naganap ilang araw lamang matapos pumanaw si Kotari.
Ayon sa Japan Boxing Commission, ito marahil ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Japan na dalawang boksingero ay sabay na sumailalim sa operasyong bukas-bungo dahil sa pinsala mula sa parehong event.