
Ang sikat na Brazilian restaurant na Fogo de Chão ay magbubukas ng unang branch sa Pilipinas ngayong Agosto 18, 2025 sa Glorietta 4, Makati City. Ang expansion na ito ay kauna-unahan sa Asia, kaya’t malaking balita ito para sa mga mahilig sa karne at kakaibang dining experience.
Magsisimula na ang reservation online simula Agosto 6, kaya’t maagang mag-book kung nais mong makaranas ng authentic Brazilian flavors. Sa menu, makikita ang mga premium cuts tulad ng filet mignon, bone-in cowboy ribeye, beef ribs, dry-aged wagyu cuts, lamb chops, at seafood ala carte. Tampok din ang mga specialty na Picanha (prime cut ng top sirloin) at Fraldinha (marbled bottom sirloin).
Ang mga putahe ay laging may halong espesyal na herbs at spices tulad ng cumin, cilantro, oregano, turmeric, at parsley para sa tunay na Brazilian taste. Ang highlight ng Fogo de Chão ay ang churrasco-style grilling – pag-iihaw ng high-quality meat over open flame na ihinahain mismo sa iyong mesa ng mga Gaucho chefs.
Mayroon din silang iba’t ibang dining options para sa lunch, dinner, weekend brunch, at group meals. Kasama rito ang Market Table na puno ng fresh side dishes at seasonal vegetables, kaya perfect para sa kumpletong kainan.
Tantyadong presyo ng karne at pagkain ay nasa ₱3,500 hanggang ₱6,000 bawat tao, depende sa iyong pipiliing menu at cuts ng karne. Kung mahilig ka sa steak at gustong matikman ang authentic Brazilian churrasco, siguraduhing kasama ito sa iyong food trip list.