
Ang mga Pilipino ay mas makakapagbiyahe na ngayon sa India dahil mag-aalok ito ng libreng e-visa para sa mga Pilipinong turista. Layunin ng hakbang na ito na palakasin ang turismo at ugnayan ng dalawang bansa.
Inanunsyo ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang balita matapos ang bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kasalukuyang nasa India para sa isang limang araw na state visit. Sinabi ni Modi na, “India at Pilipinas ay magkaibigan sa sariling kagustuhan at partners sa kinabukasan.”
Bukod sa libreng e-visa, parehong bansa ay maglulunsad ng direct flights sa pagitan ng Manila at Delhi ngayong taon para mas mapadali ang pagbiyahe. Magsisimula ang lipad ng Oktubre 1, at tatakbo ito limang beses sa isang linggo gamit ang Airbus A321neo na may Business, Premium Economy, at Economy Class.
Ayon kay Marcos, malaking pasasalamat ang ipinapaabot niya sa India para sa libreng e-visa scheme. Hinimok din niya ang mga Indian na bumisita sa Pilipinas. Dagdag pa niya, “Malaking hakbang ito sa pagpapalakas ng ating 75-taong relasyon at pagpapalawak ng koneksyon.”
Samantala, ayon sa datos ng Department of Tourism, halos ₱80,000 na Indian nationals ang bumisita sa Pilipinas noong 2024—12% na pagtaas kumpara noong nakaraang taon.