Ang magkapatid na 13-anyos na lalaki at 10-anyos na babae ay sugatan sa sunog na naganap sa Barangay Marulas, Valenzuela City noong Huwebes ng gabi, Hulyo 31. Sumiklab ang apoy bandang alas-11 ng gabi sa F. Bautista Street at mabilis kumalat sa mga bahay.
Walong bahay ang tuluyang natupok at walong pamilya ang apektado, katumbas ng 40 tao. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Valenzuela, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bandang 11:22 PM. Nahirapan ang mga bumbero dahil makitid ang daan, ngunit 45 firetrucks ang rumesponde. Naapula ang sunog alas-12:18 ng madaling araw.
Dalawang bata ang nagtamo ng sugat; isa may second-degree burn at isa minor injury. Ayon kay Fire Senior Inspector Jezreel Malapit, Operations Chief ng BFP-Valenzuela, ang mga biktima ay ligtas na. Tinatayang halos isang milyong piso ang halaga ng pinsala.
Kwento ng mga residente, bigla silang nagising dahil sa makapal na usok. Ayon sa isa sa mga nasunugan, walang naisalba sa kanilang gamit. Marami pa sa kanila ay hindi pa nakaka-recover mula sa pinsala ng nakaraang baha.
Iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng apoy at pinaniniwalaang kandila ang dahilan. Apektadong pamilya pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall at binigyan ng tulong ng City Social Welfare and Development Office.