Ang RedMagic 10s Pro ay pinakabagong gaming phone na dinisenyo para sa ultimate performance. Kilala ang RedMagic sa paggawa ng high-performance mobile gaming devices, at ang bagong 10s Pro ang pinaka-advanced nila. May 144 Hz AMOLED display at Snapdragon 8 Elite chipset, kaya kaya nitong patakbuhin halos lahat ng laro nang smooth.
Kung ikukumpara sa naunang 10 Pro, mas pinabilis ang 10s Pro. Overclocked ang Snapdragon 8 Elite chip nito mula 4.32 GHz papuntang 4.47 GHz para mas mataas ang CPU at GPU performance. Dagdag pa, may mas malaking 6.85-inch AMOLED screen na may 144 Hz refresh rate at 2,000-nit brightness—perfect para sa pro gamers.
Hindi lang power ang binago, pati cooling system. May ICE-X v2.0 na may mas malaking cooling chamber at mas mabilis na fans para iwas init kahit sa matagal na gaming sessions. May tatlong external coolers din (VC Cooler 6, VC Cooler 6 Air, at VC Cooler 6 Pro) na puwedeng gamitin kahit sa ibang Android o iOS phones.
Bukod sa gaming, swak din ito sa daily use. May dual-SIM, 5G, Wi-Fi 6E, NFC para sa contactless payments, at IP54 water and dust resistance. May under-screen fingerprint sensor at hanggang 1TB storage.
Available na ang RedMagic 10s Pro sa tatlong kulay: Nightfall, Moonlight, at Dusk. May variants na 12GB, 16GB, at 24GB RAM. Presyo nagsisimula sa £579 GBP / $649 USD.