
Ang IV of Spades ay opisyal na nagbalik noong Miyerkules, Hulyo 16, sa pamamagitan ng bagong kantang “Aura.” Masaya ang fans at OPM community dahil hindi lang basta comeback ito—kumpleto rin ang banda! Kasama sa pagbabalik sina Zild Benitez, Blaster Silonga, Badjao De Castro, at ang dating vocalist na si Unique Salonga.
Hindi mapigilan ng fans na ipahayag ang tuwa nila sa social media. Sabi ni user @Hoyaanae sa X, "Masaya na ako sa comeback nila, pero mas masaya ako na bumalik rin si Unique. My OG IV of Spades! We are so back!" Marami rin ang nagbahagi ng emosyonal na reaksyon tulad ni @biniwanderer na sumigaw online: "Walang gagalaw! May bagong kanta ang IVOS at ANG GANDA! Apat sila, nagbalik sila! I’m crying!"
Nagtrending din ang official music video sa TikTok. Ayon kay @dpranghel, "IV of Spades is finally back. YOU DON’T UNDERSTAND HOW MUCH THIS MEANS TO ME. UNIQUE IS BACK." Si @lhopitalsrurule naman ay nagsabing "Hindi ko inakala ang comeback ng IVOS sa 2025, pero sobrang saya ko ngayon."
Lalo pang ikinatuwa ng fans nang makita nilang credited ang apat bilang songwriters. Ayon kay @817flight, "IVOS comeback with all four credited! May kanya-kanyang linya pa sila! Bumalik sila para sa atin."
Ang “Aura” ay naging simbolo ng pagbabalik ng banda—hindi lang bilang performers, kundi bilang magkakaibigan na muling nagkakaisa para sa musika.