
Ang katawan ng isang 11-anyos na batang babae ay natagpuang palutang-lutang sa ilog ng Sitio Kanipaan, Barangay Basak, Mandaue City ngayong umaga ng Hunyo 10.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at mga emergency personnel upang hilahin ang katawan mula sa tubig. Kasama rin sa lugar ang ilang residente at usisero na nagmasid habang ginagawa ang retrieval operation.
Dinala na ang katawan ng bata sa isang funeral parlor. Ayon sa mga awtoridad, posibleng nalunod ito, pero isasailalim muna sa autopsy para matiyak kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Ang insidenteng ito ay ikinabigla ng mga residente sa lugar, lalo na’t bata pa ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad.
Panawagan sa publiko na manatiling alerto at agad mag-ulat ng kahina-hinalang aktibidad, lalo na sa mga lugar na malapit sa tubig o ilog.
e54brf
pidpoh
j1nxie
zxnhnt