Ang iconic na German electronics brand na Braun ay nakipagtambalan sa Japanese streetwear label na NEIGHBORHOOD para muling buhayin ang retro-style clocks mula 1980s. Kasama sa kanilang limited-edition collab ang isang alarm clock at wall clock na may minimalistang disenyo ni Braun at bold branding ni NEIGHBORHOOD.
Pinangungunahan ng BC02 alarm clock na inspired sa AB1 model mula 1987 at ang BC06 wall clock na hango sa ABW30 mula 1981. May 24-hour at 12-hour dial, at available sa black at white colorways, ang mga orasan ay may military-style feels na siguradong pasok sa aesthetic ng mga collectors.
Simula pa noong 1921, kilala na ang Braun sa Bauhaus-inspired designs. Marami sa kanilang designs ay galing sa creative mind ni Dieter Rams, isang design legend mula 1955 hanggang 1997. Para kay Shinsuke Takizawa ng NEIGHBORHOOD, hindi ito ang unang tech collab—naglabas na rin sila ng retro boombox at turntable. Ang release ng clock collection ay naka-schedule sa June 7 sa kanilang opisyal na webstore.