
Ngayong Hunyo, may libreng upsize na hatid ang Potato Corner tuwing Lunes hanggang Miyerkules! Sulit na sulit ito para sa mga mahilig sa fries.
Kung bibili ka ng Giga Fries, automatic ka nang makakakuha ng free upgrade to Tera Fries mula Hunyo 9 hanggang 25. Sa promo na ito, makakatipid ka ng hanggang ₱30!
Hindi lang ‘yan—kung bibili ka ng Tera Fries, pwede ka rin mag-upgrade sa Tera Mix nang walang dagdag na bayad sa parehong petsa.
Available ang promo sa lahat ng Potato Corner branches nationwide, kaya hanapin na ang pinakamalapit na tindahan at mag-enjoy ng mas maraming fries!
