
Ang R&B singer na si Chris Brown, 36 taong gulang, ay inaresto sa Manchester, UK noong Mayo 15 dahil sa hinalang pananakit sa isang music producer sa isang London nightclub noong 2023.
Ayon sa mga ulat, ang insidente ay nangyari noong Pebrero 2023 sa Tape nightclub sa Mayfair, London, kung saan umano’y sinaktan niya si Abe Diaw gamit ang bote. Inaresto siya sa isang kilalang hotel sa Manchester madaling araw ng Huwebes.
Kinumpirma ng Metropolitan Police na may naaresto silang 36-anyos na lalaki dahil sa grievous bodily harm o matinding pananakit. Nanatili pa rin sa kustodiya ang suspect habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Dumating si Chris Brown sa Manchester gamit ang private jet noong Miyerkules at inaasahang magpe-perform sana sa ilang concerts sa UK sa susunod na buwan.
Bagama’t kilala si Brown sa kanyang talento sa R&B at rap music, ilang beses na rin siyang nasangkot sa mga kontrobersiya, kabilang na ang kaso ng pananakit kay Rihanna noong 2009.