
Ang bagong pelikula ng Mario ay tila may bagong pamagat — Super Mario World. Isang press release mula sa Universal Pictures ang nagbunyag nito, ngunit agad itong binura online.
Ayon sa mga ulat, ang sequel ay nakatakdang ipalabas sa April 3, 2026. Kahit wala pang opisyal na pamagat ang pelikula, Super Mario World ang nakasulat sa press release bago ito tinanggal.
Maraming fans ang naniniwala na tugma ang pamagat sa post-credit scene ng unang pelikula, kung saan ipinakita si Yoshi — ang karakter na unang lumabas sa larong Super Mario World noong 1990.
Sa binagong bersyon ng release, wala na ang pangalan ng Super Mario World, pati na rin ang mga pelikula tulad ng Shrek at Minions.
Kahit hindi pa kumpirmado, mukhang may posibilidad na ito nga ang magiging official title. Excited na ang mga tagahanga sa susunod na adventure ni Mario at Yoshi sa malaking screen.