
Ang mga kaanak ng mga biktima sa bumagsak na eroplano ng Jeju Air sa South Korea ay naghain ng kaso laban sa CEO ng airline, transport minister, at higit 10 pang opisyal. Ayon sa kanila, malaking kapabayaan ang naging dahilan ng trahedya.
Umabot sa 72 miyembro ng pamilya ang nanawagan ng masusing imbestigasyon sa nangyaring insidente na kumitil ng 179 na buhay. Hindi raw ito simpleng aksidente kundi isang malaking sakuna bunga ng maling pamamahala.
Sa kabila ng halos limang buwang imbestigasyon, hindi pa rin matukoy ang tunay na dahilan ng pagbagsak ng eroplano sa Muan International Airport. Nauna na ring nagsagawa ng criminal investigation ang mga pulis bago pa man isampa ang pinakahuling reklamo.
Pinagbawalan nang makaalis ng bansa si Jeju Air CEO Kim E-bae, habang patuloy ang proseso ng imbestigasyon kahit wala pang desisyon mula sa korte.