Ang magkasintahan na nakamotorsiklo ay binaril at napatay ng hindi pa kilalang suspek sa General Trias City, Cavite. Kinilala ang mga biktima na sina Alberto mula Las Piñas City at Catherine ng Barangay Molino 3, Bacoor City.
Ayon sa ulat, sakay ang dalawa ng Yamaha Aerox na may plakang 331UJK at bumabagtas sa Pabahay 2000, Barangay San Francisco nang bigla silang harangin ng suspek na naka-motorsiklo rin. Dahil sa pagkabigla, hindi agad nakareact si Alberto at dito na sila pinaputukan.
Tinamaan ng maraming bala ang magdyowa at agad silang binawian ng buhay sa pinangyarihan ng krimen. Napag-alamang may mga mensahe sa cellphone ng isa sa kanila na may kaugnayan sa droga.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng may koneksyon sa ilegal na droga ang dahilan ng pamamaril. Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad laban sa suspek na may suot na orange T-shirt, asul na sumbrero, at puting shorts.