
Ang pagbabalik ni Beabadoobee sa Pilipinas ay opisyal na! Inanunsyo ngayong Abril 29 na magkakaroon siya ng concert sa New Frontier Theater sa Cubao sa darating na Agosto 12, 2025 bilang huling stop ng kanyang Asia Headline Tour.
Narito ang mga petsa ng kanyang tour sa Asia:
Agosto 4 – Singapore sa The Star Theatre
Agosto 6 – Bangkok sa Samyan Mitrtown Hall
Agosto 9 – Taipei sa Legacy Taipei
Agosto 12 – Manila sa New Frontier Theater
May presale tickets para sa mga Mastercard holders mula Mayo 6 (10:00 AM) hanggang Mayo 7 (10:00 AM). Para naman sa mga Live Nation Philippines members, may presale access mula Mayo 7 (12 noon hanggang 11:59 PM). Ang general sale ay magsisimula sa Mayo 8, 12 noon, sa Live Nation Philippines website.
Ito na ang ikalawang beses na magpe-perform si Beabadoobee sa Pilipinas, matapos ang kanyang Beatopia Tour noong 2022. Kasama rin siya sa Summer Sonic Festival sa Japan kasama ang Fall Out Boy at aespa sa Agosto 16 at 17.
Ang mga presyo ng ticket ay ang sumusunod:
₱5,500 – Floor A Standing
₱4,550 – Floor B Standing
₱3,750 – Loge
₱2,750 – Balcony 1
₱1,750 – Balcony 2