Ang pusang si Mirage ang tanging nakaligtas sa isang malagim na insidente kung saan dalawang tao ang nahulog sa 115-meter na bangin sa Utah, USA. Ayon sa Best Friends Animal Society, ang pusa ay natagpuang buhay sa isang sirang itim na carrier malapit sa katawan ng magkasintahang sina Matthew Nannen (45) at Bailee Crane (58).
Na-rescue si Mirage noong gabi ng Martes at dinala agad sa isang animal facility. Sa kabila ng pagkabagsak, si Mirage ay kumakain, umiinom, at mabait pa rin nang suriin ng mga beterinaryo. Siya ay tinatayang 12 taong gulang.
Sinabi ng grupo na ang pusa ay bahagyang masakit ang katawan at matted ang balahibo, pero walang abnormalidad sa kaniyang bloodwork. Patuloy pa ring inaantay ang resulta ng x-ray para malaman kung may iba pa siyang injury.
Ang insidente ay nangyari sa loob ng Bryce Canyon National Park, isang kilalang pasyalan sa Utah. Ayon sa mga ulat, ang magkasintahan ay bumagsak sa pagitan ng Lunes at Martes, pero si Mirage ay natagpuan buhay kinagabihan.
Ngayong ligtas na si Mirage, patuloy siyang inaalagaan at minomonitor ng Best Friends Animal Society. Ang kanyang kuwento ay nagsisilbing liwanag sa gitna ng trahedya.