Ang Insta360 ay naglunsad ng bagong X5 360° action camera, na may mga bagong upgrade mula sa dating modelo nito. Ang X5 ay may pinakamalaking sensor na inaalok ng Insta360 para sa handheld consumer 360º camera, isang 1/1.28-inch sensor na nagbibigay ng malaking improvement sa image quality, pati na ang 8K video at 30fps.
Binanggit ng Insta360 na ang X5 ay may Triple AI Chip system na mabilis at may AI-powered features tulad ng PureVideo, isang bagong mode para sa low-light shooting. Sa mga bagong features na ito, nagiging mas versatile ang camera sa iba't ibang lighting conditions.
Mas pinatibay din ang X5 sa durability nito. Itinuturing ito ng Insta360 bilang “toughest 360° camera ever” dahil sa bagong ultra-durable glass sa replaceable lens system nito. Ayon sa brand, ito ay may first-of-its-kind na lens system na nagbibigay ng high-quality performance para sa mga adventurers.
Ang X5 ay may dagdag na features tulad ng built-in wind guard para sa malinaw na audio sa mahihirap na kondisyon, mas matagal na battery life (hanggang 3 oras), at mga improvements sa waterproof capabilities (hanggang 49 feet). Ang software naman ay pinalakas, na may bagong InstaFrame Mode na nagka-capture ng auto-framed flat video at 360° video sabay.
Ang Insta360 X5 ay available na sa Insta360 website at may presyo na £519.99 GBP o $549.99 USD.