
Matagal nang hinihintay ng fans ang pagbabalik ni Rihanna sa musika, at ngayon, nagbigay siya ng update tungkol sa kanyang paparating na album, na tinatawag na R9.
Sa isang panayam sa Harper’s Bazaar US, ipinaliwanag niya kung bakit natagalan ang kanyang bagong album. “Ngayon ko lang talaga naintindihan kung ano ang gusto kong gawin para sa bagong proyekto kong ito,” sabi niya.
Tungkol sa tunog ng album, nilinaw niyang walang partikular na genre ito. Maraming fans ang nag-akala na reggae-inspired ito, pero ayon kay Rihanna, hindi ito tugma sa kanyang personal na growth. “Kailangan kong ipakita sa kanila na sulit ang paghihintay,” dagdag niya. “Hindi ako pwedeng maglabas ng basta-basta lang pagkatapos ng walong taon.”
Bagama’t matagal na siyang nasa studio, aminado siyang hindi agad niya natagpuan ang tamang direksyon para sa album. “Alam kong hindi ito magiging tulad ng inaasahan ng iba. Hindi ito pang-masa o pang-radyo. Pero dito nararapat ang artistry ko ngayon.”
Ang huling album ni Rihanna, Anti, ay lumabas noong 2016 at nag-hit ang mga kantang Work, Needed Me, at Love On The Brain. Sa kabila ng kanyang matagal na break sa musika, abala siya sa kanyang mga negosyo tulad ng Fenty Beauty, Fenty Skin, at Savage x Fenty.
Noong 2022, nag-release siya ng bagong kanta na Lift Me Up para sa soundtrack ng Black Panther: Wakanda Forever, pati na rin ang Born Again.
Habang hinihintay natin ang opisyal na release ng R9, balikan muna natin ang kanyang album na Anti.