
Ang mga pulis ay patuloy na nag-iimbestiga sa pagkawala ng bride-to-be na si SHERRA DE JUAN, apat na araw bago ang kanyang kasal noong DECEMBER 14. Hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na sagot kung ano ang tunay na nangyari sa kanya.
Sinuri na ng mga awtoridad ang LAPTOP at CELLPHONE ni Sherra gamit ang FORENSICS para hanapin ang posibleng MENSAHE o USAPAN na makakatulong sa imbestigasyon. Ayon sa pulis, inaasahang lalabas agad ang resulta ng pagsusuri.
Itinuturing na PERSON OF INTEREST ang fiancé na si MARK ARJAY REYES, pati ang kapatid ni Sherra at ilang taong malapit sa kanya. Nilinaw ng pulis na hindi ibig sabihin nito ay SUSPEK na sila. Sa ngayon, wala ring senyales ng KIDNAPPING dahil walang humihingi ng TUBOS, ngunit patuloy pa rin ang paghahanap at panawagan sa publiko na magbigay ng anumang IMPORMASYON.




