
Ang pagkuha ng tulong medikal na nakadepende sa pabor ng politiko ay mali at nakakasira sa dangal ng tao, ayon kay Cardinal Pablo Virgilio David.
Ayon sa kanya, napipilitan ang mahihirap na makiusap para sa serbisyong karapatan na dapat ay awtomatikong ibinibigay ng gobyerno, tulad ng kalusugan at edukasyon.
Binalaan din niya ang mga mambabatas laban sa patronage o tinawag niyang “soft pork,” kung saan nagiging pabor ang tulong imbes na serbisyo ng estado.
Binanggit niya ang MAIFIP, na umano’y umaasa sa endorsement ng politiko, kaya nagiging utang-na-loob ang pagkuha ng gamutan.
Sa usapin ng badyet, may tutol at may pabor sa MAIFIP, ngunit giit ng kardinal: ang kalusugan ay karapatan, hindi biyaya ng may kapangyarihan.
Tags: Headline News




