
Ang YouTube ay umalma sa bagong batas ng Australia na magbabawal sa mga under-16 na gumamit ng Facebook, Instagram, TikTok, at YouTube simula December 10. Ayon sa kumpanya, ang batas ay mabilis, hindi praktikal, at magdudulot pa ng mas ‘di ligtas na karanasan para sa mga bata.
Sinabi ng public policy manager na si Rachel Lord na ang bagong patakaran ay hindi makakatulong sa online safety, kundi posibleng magdulot pa ng panganib. Marami na rin daw magulang at guro ang nagpahayag ng parehong pag-aalala.
Inihayag ng Australia na layon nitong protektahan ang kabataan mula sa “predatory algorithms.” Dahil dito, lahat ng under-16 na Australian users ay auto-sign out sa YouTube simula December 10, gamit ang edad base sa Google account.
Pwede pa rin bumisita sa YouTube nang walang account ang mga bata, pero mawawala ang features, kasama ang mga default safety settings. Giit ng YouTube, mawawala ang mga wellbeing tools na kamay-proteksiyon sana sa kabataan.
Dagdag pa ni Lord, ang bagong batas ay mali ang intindi sa paggamit ng kabataan sa platform. Ani YouTube, ang layunin nila ay protektahan ang bata sa digital world, hindi itago sila mula rito.




