
Ang Yamaha Motor Company ay naghahanda nang ilabas ang all-electric Yamaha Aerox E sa India.
Ayon sa kompanya, ang layunin ng Yamaha Aerox E ay magtayo ng premium image para sa electric vehicle market sa India. Gagawin ito sa loob ng bansa sa pamamagitan ng India Yamaha Motor Private Limited. Malakas din ang pangalan ng Aerox sa India at sa Pilipinas, lalo na matapos ilabas dito ang mga bagong modelo tulad ng all-new Aerox at Aerox SP.
Sa itsura, halos kapareho ng gas-powered Aerox ang disenyo ng Aerox E. Mayroon itong beefy body, aerodynamic na fairings, at LED headlamp system. Makikita rin ang chunky wheels, spoked rims, at disc brake na malamang ay may ABS. Sa gilid, kapansin-pansin ang blue drive system na pumalit sa tradisyunal na tambutso.
Sa usapang performance, inaasahan na magiging kahawig ng regular Aerox ang handling at ride quality. Pero dahil electric ito, maaaring mas ramdam ang instant acceleration at mabilis na response. Interesante ring malaman kung paano gagayahin ng electric drive system ang three-level downshift control na meron sa mga bagong Aerox models.




