
Ang media world sa Pilipinas ay mabilis na nagbabago, at mas niyayakap ng consumers ang AI sa kanilang araw-araw na buhay. Sa forum ng WPP Media Philippines, pinagusapan ng industry leaders kung paano binabago ng teknolohiya, audience behavior, at brand strategies ang paraan ng komunikasyon ngayon.
Ayon sa WPP Philippines CEO Crisela Cervantes, mahalaga na maintindihan kung paano naaapektuhan ng mga pagbabagong ito ang Filipino consumers at kung paano mas makakakonekta ang mga brands sa kanila. Binanggit ng mga speakers na malaki ang epekto ng short-form content, streaming, at podcasts sa media consumption ngayon.
Ibinahagi naman ni WPP Media Client President Reena Francisco na mahigit kalahati ng mga Pilipino ang gumagamit na ng AI araw-araw. Hindi na ito “future tech” lang dahil ginagamit na ito ngayon para maghanap ng info, gumawa ng rekomendasyon, at tumulong sa pagdedesisyon ng consumers.
Pinaliwanag niya na kumukuha ang AI ng malawak na impormasyon online, at kapag nakita ito ng isang Pilipino, mas madali na silang makagawa ng choice sa pagbili ng produkto o serbisyo.
Sa huli, sinabi ng WPP na kailangang maghanap ang mga kumpanya ng bagong paraan para maging discoverable, mapalaki ang audience, at mas makipagtulungan sa content creators. Sa dami ng ingay online, hamon ngayon sa brands kung paano sila mag-stand out sa future ng media.




