
Ang Horizon Steel Frontiers ay opisyal nang inanunsyo bilang bagong MMO para sa mobile at PC. Nasa Deadlands ang kuwento, isang lugar na hango sa Arizona at New Mexico. Dito, libo-libong manlalaro ang sabay-sabay na gagalaw sa iisang mundo.
Sa larong ito, gagawa ka ng sarili mong Machine Hunter gamit ang malalim na character creation. Maaari kang pumili ng estilo mula sa kilalang tribo gaya ng Nora, Tenakth, Utaru, at Oseram. May iba’t ibang gear at role depende sa gusto mong gameplay.
Pangunahing aksyon ng laro ang malalaking laban kontra makina. May bagong sistema tulad ng Pullcaster para makaakyat sa nasirang parte ng machine, trap setting para sa status effects, at pagkuha ng machine weapons na puwedeng ilagay sa iyong mount.
Mobile-first ang design pero may full support din para sa PC. May cross-platform play, kaya puwedeng magsama ang players sa raids, co-op missions, at mabilis na hunts. Target nito ang both short sessions at long gameplay.
Sabi ng team, layunin nilang dalhin ang “thrill sa pagpatumba ng colossal machines” habang pinapanatili ang kilalang identity ng Horizon. Abangan ang petsa ng release.




