Ang Land Transportation Office (LTO) ay nagdesisyon na habambuhay disqualified ang lisensya ng driver ng isang SUV na nahuling may protocol plate ‘10’ at sangkot sa away sa kalsada sa Quezon City.
Sakay ng SUV si DOTr Undersecretary Ricky Alfonso nang makunan ng video ang kanyang driver na nakikipagtalo sa isang multicab. Mas lalong umingay online ang isyu dahil nakita ring may illegal blinker at wang-wang ang sasakyan.
Ayon kay LTO, isinuko ng driver ang kanyang lisensya at unauthorized parts ng SUV pero bigo siyang ibalik ang protocol plate ‘10’. Dahil dito, tuluyang in-impound ang SUV at permanenteng tinanggalan ng lisensya ang driver.
Samantala, nag-file ng indefinite leave si Alfonso habang may imbestigasyon. Ayon sa DOTr, layunin nito na hindi siya makialam sa proseso.
Idinagdag ni LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na nakakainis panoorin ang video dahil tila “siga” ang driver ngunit hindi masabi kung saan napunta ang plate ‘10.’ Kaya rekomendado ang revocation ng lisensya at impound ng sasakyan.