
Ang 8,000 runners ang sumali sa masayang One Piece Run 2025 na ginanap sa paligid ng SM City Fairview nitong Linggo. Punong-puno ng kulay at cosplay ang kalsada, parang nasa Grand Line ang bawat takbo.
Sa 10K category, nanguna si John Christian Balonso na nagtala ng oras na 39:28 minuto, habang sa women’s division, si Maria Rozy Zepeda ang nanguna sa oras na 50:04 minuto. Sumunod sa men’s division sina John Paul Enriquez (41:39) at Cedric Joshua Parcellano (43:13). Sa women’s top 3, pumasok din sina Marjorie Braza (51:52) at Jyra Lahay Lahay (58:27).
Sa 5K race, panalo si Mark Angelo Biagtan na nagtala ng 17:49 minuto, kasunod sina Joruss Delgado (18:24) at Joeross Simangan (18:57). Sa women’s division naman, si Jo Punay (22:42) ang nanguna, kasunod sina Jamie Del Rosario (27:45) at Hannah Dacanay (27:50).
Hindi rin nagpahuli sa 3K si Cavin Vidal na nagtapos sa oras na 10:53 minuto, habang sa women’s division, si Rochelle Nina Pingol ang nagwagi sa oras na 18:35 minuto. Sa pinakamabilis na 1K, si Joseph Fontamillas ang nag-uwi ng titulo sa oras na 5:12 minuto, at sa women’s category, si Ayra Jerica Acosta ang nanguna sa oras na 7:05 minuto.
Mula sa mga nag-sprint na parang Zoro, tumakbong may estilo gaya ni Sanji, o nag-explore na parang si Luffy, tunay na kayamanan ng One Piece Run 2025 ang saya, teamwork, at alaala na binuo ng bawat runner.