Ang Jordan Brand ay nagpakilala ng bagong sapatos ni Jayson Tatum – ang Jordan Tatum 4. Ito ang magiging pinaka-magaan na sapatos sa Jordan Basketball line, dinisenyo para sa mabilis at eksaktong galaw sa court.
Ang disenyo ng Tatum 4 ay malapit sa paa para sa mas responsive na movement, gamit ang S-Seam Strobel na nagbibigay ng mas maayos na kontrol. Mayroon itong Zoom Air unit sa forefoot para sa malakas na energy return, habang ang stability shank ay tumutulong sa mabilis na transition at matatag na performance sa laro. May multi-traction outsole para sa dagdag na grip at kombinasyon ng materyales na nagbabawas ng init at pawis nang hindi dinadagdagan ang bigat.
Ayon kay Jayson Tatum, “Greatness ay hindi lang tungkol sa panalo. Ang mahalaga ay kung paano mo hinaharap ang setbacks at paano ka bumabangon. Ang Tatum 4 ay simbolo ng aking journey – para ito sa grind at sa pagiging matatag habang hinahabol mo ang mas malaking pangarap.”
Ang unang kulay na ilalabas ay ang “St. Louis” colorway, bilang tribute sa hometown ni Tatum. May premium suede at dynamic mesh ang disenyo, kasama ang numerong ‘0’ sa likod na kahawig ng kanyang diamond chain pendant.
Magiging available ito simula Oktubre 10 sa presyo na humigit-kumulang ₱9,000 para sa adults, at may full-family sizing para rin sa mga bata at kabataan.