Ang Pope Leo XIV ay tumanggap ng isang espesyal na BMW R18 Transcontinental cruiser sa isang selebrasyon sa Vatican. Ang kulay-puting motorsiklo ay may coat of arms ng bansa at inialay ng BMW Motorrad Germany.
Natanggap nito ang bendisyon at pirma ng Santo Papa at ia-auction sa Oktubre sa pamamagitan ng Sotheby’s upang makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng tulong sa mga bata sa Madagascar. Bago ang auction, ito ay ipapakita muna sa Munich mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 7.
Ayon kay CEO Markus Flasch, ang ideyang parang imposible noong una ay naging isang malaking charity campaign. Masaya raw siya na ang BMW Motorrad ay nakasuporta sa mga kabataan ng Madagascar sa pamamagitan ng espesyal na motor. Nagpasalamat din siya kay Pope Leo XIV sa pagbibigay ng oras para suportahan ang proyekto.
Ang BMW R18 Transcontinental ay pinakamalaki at pinaka-astig na miyembro ng R18 series. May 1802cc boxer twin engine, may 24-litro fuel tank, at tumitimbang ng humigit-kumulang 433kg. Ang presyo nito sa merkado ay tinatayang nasa ₱1.8 milyon.