Ang handheld Xbox ay opisyal nang darating ngayong Oktubre 16, 2025. May dalawang modelo na inanunsyo: ROG Xbox Ally at ROG Xbox Ally X. Pareho itong idinisenyo para sa mga casual at hardcore gamers.
Parehong may 7-inch 1080p IPS touchscreen display, may 120Hz refresh rate, at suportado ng Wi-Fi 6 at Bluetooth 5.4. Pareho rin ang button layout na hango sa Xbox Wireless Controller kaya pamilyar agad sa kamay.
ROG Xbox Ally ang mas abot-kayang modelo. May AMD Ryzen Z2 A processor, 16GB RAM, at 512GB storage. Target nito ay 720p gaming kahit kaya ng 1080p output. May 60Wh battery at 2 USB 3.2 Type-C ports. Inaasahang presyo nito ay nasa humigit-kumulang ₱29,000.
Samantala, ROG Xbox Ally X ang mas malakas na bersyon. May AMD Ryzen Z2 Extreme processor, 24GB RAM, at 1TB SSD storage. Mas malaki rin ang 80Wh battery at may USB 4 Type-C port. Presyo nito ay tinatayang nasa ₱42,000.
Parehong may microSD card slot para madali ang dagdag storage. Pinakamahalaga, gagamit ito ng bagong Xbox custom interface na optimized para sa handheld gaming, kaya mas mabilis at mas smooth ang performance kumpara sa karaniwang Windows setup.