
Ang unang Humanoid Games ay ginanap sa Beijing, China, kung saan mahigit 500 humanoid robots mula sa 16 bansa ang naglaban sa iba’t ibang palaro. Tatlong araw na event ito na isinagawa sa National Speed Skating Oval.
Sumabak ang mga robots sa sports tulad ng soccer, boxing, track and field, at kung fu. Bukod sa sports, nagpakitang gilas din sila sa mga practical tasks gaya ng pag-aayos ng gamot at paglilinis ng bahay. Layunin nitong ipakita na kaya nang lumabas ng mga robots mula sa laboratoryo papunta sa totoong buhay.
Ipinakita ng laban ang malalaking advancement sa robotics at AI sa China. Bagama’t maraming impressive performances, may mga pagkakataon ding nagka-error tulad ng pagkatumba ng ilang robots sa soccer at isang robot na natanggal ang ulo habang tumatakbo.
Ang Humanoid Games ay nagsilbing malaking hakbang sa global competition sa robotics, at naging pagkakataon para sa mga engineers na subukan ang bagong teknolohiya.
Para sa mga manonood, ito ay parang sulyap sa hinaharap kung saan posibleng makasama na natin ang mga robots sa trabaho at pang-araw-araw na buhay.