
TAYUG, PANGASINAN – Tatlong bata ang nasawi matapos ma-trap sa sunog na tumupok sa kanilang bahay nitong Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, umalis ang ama ng mga bata, na may edad 6, 4, at 3, para mag-charge ng cellphone sa bahay ng kapitbahay. Pagbalik niya bandang alas-8 ng umaga, nagliliyab na ang kanilang tahanan.

Naapula ang apoy bandang 10:10 AM. Natagpuan ng mga bombero ang mga labi ng mga bata sa loob ng bahay. Ayon sa doktor na rumesponde, asphyxiation o suffocation ang ikinamatay ng mga biktima.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.
			
		    



